Thursday, August 21, 2008

sa inuman!!

Ooops, si tanggero may amats na, laging umaaapaw ang tagay di kasi matantsa..
ang isang kainuman, tulog na..yung isa naman nasa banyo nagsusuka..
yung isa pa buong galak na tumutugtog ng gitara..
basta kami dito masayang nagiinuman at naguusap..
problema sa syota, sa ermats, pati ang pang-tuition ang paksa..
ayan na, paunti-unting lumalabas ang sensitive side ng isa't isa
habang patuloy ang pagikot ng baso..

mahigit sa isang case na din ng redhorse ang aming nalalaklak..
halos lahat na ng elemento ng isang inuman ay nandito..
usok, bote, suka ng kainuman, pulutan, kulitan, music syempre..
at malilimutan ko ba banggitin ang isang bagay na hindi-hindi
magiging kumpleto ang isang inuman pag wala nito?..
last but not the least..ang usapang inuman!Yehey!

kanina nga lang ang isang "kaibigan" na super yabang ang naging topic..
yun, palitan ng opinyon sa kanya..
"ay oo, bad trip ako dun sa taong yan, kainis!super yabang!"
"inis nga ko dun, sobrang feeling guapo!yuck!"
yung mga bagay na di dapat sinasabi, kumawala na..
nilabas ang sama ng loob sa kaibigan mo na ang kasalanan lang niya
ay ang kanyang pagiging mayabang..
wala na, natulak na ng alak ang pagiisip natin na magsabi ng
mga bagay-bgay..
para bang kilala na natin ang tao at nahusgahan na natin
sa mga maliliit na bagay kinainisan na natin..
halos may mga ganitong katulad na paksa sa isang inuman..
wala lang basta may mapagusapan lang..eh ang dami daming topic
na puede pagusapan..yung pang madalas makasira..
puede naman siguro pagusapan ang mga bagay na constructive
at hindi destructive..
madalas kasi nangyayari yun sa mga magbabarkada
na nagiinuman..
ang hindi magustuhang tao yun ang paguusapan..
iba-iba tayo, iba-ibang ugali din..
may kanya-kanya din naman tayong di kanais-nais na ugali d'ba?
sigurado ako na mahirap ang pakiramdam kapag minsan ikaw ang
nagiging paksa ng isang usapan, lalo na kung hindi maganda
ang dating sa reputasyon mo..
ibang topic naman oh?Puro personal critisms na lang kasi eh..

tawanan na naman ang nangingibabaw..
yung isang kainuman ko eh ubo na ng ubo
dahil sa ibinubugang usok galing sa yosi ng isa pang kainuman..
hindi na napansin yung mga boteng nagsipagtumba na dahil sa puro sagi..
mga pulutan tapun-tapon..
eto naman isang pang katoto..
hindi maistorbo sa kanyang mundo
bawat pitik sa kanyang gitara sabay kanta nga mga awit panginuman..
samantalang ako dito may nararamdamang di kakaiba..
tila may bubulwak!
"mukang naparami ang inom ko ah..BWHAAAAAAARK!"

No comments: