Thursday, August 21, 2008

its me,,, no more no less~_~

aray!!! bakit may mga taong masakit magsalita?!!? sino ba ako noon at sino ba ako ngayon?!!? di niyo na ba ako nakikilala!?? di ko na ba kayo napapasaya?!? ikaw!? nagkulang na ba ako sa pagmamahal?!?

hindi sa sinusumbatan ko kayong mga apektado at kayong lahat ng nakakabasa ng akdang eto na bunga ng pagiinom habang nakaharap sa computer, pero dahil sa mahilig ako mgkwento at maglabas ng sama ng loob pag nkakainom ilalabas ko na eto(wag lang sana kayo mabahuan!)

17yrs old palang ako ng maranasan at matutuhan kong mabuhay ng magisa.... nagsimula sa magulong buhay ng pagrerebelde nuong mga unang taong ko sa kolehiyo napalayas ako ng mga kamaganak na tinitirahan ko sa maynila..halo halo ang emosyon na nararamdaman ko ng mga panahon na yon..naranasan ko na rin tumira ng tatlong araw sa plaza(hindi ako nagpapaawa)... ngtrabaho ako lahat na yata ng mga foodchain na kilala sa pilipinas ay napasukan ko nah.. jolibee,chowking,kfc,mcdo!!! lahat yan naranasan ko, mga tipo ng pagod na matutulog ka sa byahe habang papasok ka ng eskwelahan........ itinaguyod ko magisa ang sarili ko sa murang edad.. kahit pinipilit ako ng pamilya ko na bumalik sa probinsiya para doon na lang ipagpatuloy ang buhay hindi ko ginawa sabi ko madami ako gustong patunayan sa mga taong ngmaliit sakin ng mga panahon na naguguluhan ako... pagkatapos ng ilang taon na pagsasarili at pagtataguyod hindi lang sa sarili pati na rin sa pamilya ko eto ako ngaun..... masama ba magpahinga?!!?!? masama bang maramdaman ko yung mga bagay na hindi ko naramdaman nung "teenage years ko"????? kayo na lang ang maghusga!!kung nakikita niyo na napapabayaan ko na ang trabaho at sarili ko, open naman ako makinig sa mga reaksyon niyo, pero pinapaalala ko lang na ako ang nakpapatakbo sa sarili kong barko ako ang piloto nang sarili kong eroplano at ako ang couch ng sarili kong basketball team..... di niyo pwedeng baliwalain lahat ng napagdaanan ko kung san man ako ngayon kung para sa inyo man wala akong narating okay lang... basta ako sa sarili ko alam ko hindi biro ang ilang taon para maging ganito ang takbo ng pagiisip ko.... natuto ako ng mga kalokohan at natuto ako humawak ng tagayan at humarap sa kahit sinong kainuman..........mali ba ang mga ginawa ko?!!?!?hindi ko sinulat eto para humingi ng kahit anong simpatya dahil wala ako pakialam kung tamaan kayo o hindi sa mga sinasabi ko.... ang sa akin lang pare pareho tayong my mga karne sa loob ng ating mga bungo na magpapatakbo sa ating pagkatao.... salamat sa aking pamilya lalong lalo na sa aking nanay na nakakaintindi sa lahat ng mga bagay ng ginagawa ko..sa lahat ng umiintindi at umuunawa salamat po... sa iyo aking prinsesa na palaging andyan at handang umagapay sa akin.. salamat po! tandaan mo pong ikaw ang pinakamahalgang factor ng aking mga desisyon.. sayo na bumabasa nito bahala ka nah kung anong iisipin mo pagkatapos mo basahin ang parte na ito ng aking blog...

sa lahat ng taong pilit akong ibinabagsak,, salamat sa inyo ako humuhugot ng lakas ng loob para patunayan na mali kayong lahat!!!!

tandaan niyo "IM YOUR MAD FREAK COMPANION"

1 comment:

dReAm_AnGeL said...

Lahat ng laban ay may kaagapay na lungkot at saya, hirap at sakit pero you should be happy for it dahil hindi ka matutoto kumg wala non, be proud kasi I am always proud of you, don't let anybody pull you down, pero kelangan mo rin sila dahil they make you strong and always feel good dahil maraming nagmamahal sa iyo, you always make me proud, always remember that. Ang buhay ay punung puno ng laban, na sa atin kung pano natin gagawin iyun, always be strong, patient, feel proud the same way as I am proud of you. Always feel good. Never let anybody pull you down, pero kelangan mo rin sila, it can make you strong, accept them constructively, always feel good and always aim high, mahaba pa ang oras mo, make the best of it. Always think that you are the best among others, pero always have a low profile kasi iyun ka, ganon kita kilala, always be happy dahil maraming nagmamahal sa iyo. Always remember na para sa kin, you are the best and I am very proud of you, madalas mong naririnig yan dahil yun ang totoo.